OPEN relationship SUCKS
Posted by blue001 at 10:33 AM on April 2, 2008.
Habang may avail time na 17minutes… nagawa ko pang magupdate ng blog ko. Well, naalala ko lang kase yung topic namin ng friend ko nung isang gabing magkatext kame… he was asking about my stand about OPEN relationships. At first napagisip ako and tried to recall kung naexperience ko na ba yun. And I did na pala… it was with my first ex. After a month and a half na naglolokohan kame (hehehe)… we ended up breaking the ties… ayun… change number… nawalan ng communications… move on…
but after 4 months yata… nagkita ule kame. We went out… chitchat… patch things up… that time we were both taken. But you know the spark went back na parang walang nangyari. I ended up breaking with my current bud and siya naman committed pa rin. Well lumalabas kame pero wala lang… wala namang commitment. I remember the time na ang aga ng uwi nya from his duty (he is a nursing student by the way) tapos text siya na punta raw siya ng office bandang afternoon. Sabi ko okay lang kaen na lang kame sa pantry. Eh papasok pa lang ako nung nagtext siya naglalakad ako sa mega nun… sa ortigas pa kase yung office ko that time. May nadaanan akong cute na bear… ayun I bought it for him na parang pre valentines post birthday gift sa kanya. Ayun nung dumating siya… nasurprise naman siya sa bear sabi ko anak namin yun and ang name nya is CutieBear… tawag ko kase sa kanya nun CutieBhe eh… un… hehehe…
at that time also… nagkasundo kame na parang open relationship yung status. Siya with his current bud and ako naman free makipaglaro kahit kanino. Days passed na parang okay lang. We went out almost everyday, magkatext everyday… nagtatawagan pero nakakainis kase nagseselos ako pagnagtetext yung bud nya… tapos siya rin galit na galit pag may ineentertain akong iba… nagpramis kase kame na walang lihiman… pero napapansin ko na hindi na healthy yung relationship, lage kameng nagkakatampuhan… lagging nagdududa…tumatanim yung selos at galit so I decided na hindi ko yun kaya kaya break na naman ulit kame. Hindi pala magwowork saken yung ganun tipo ng relationship.
Ang isang pinakakinaselos ko is valentines day nun… nawrong send siya sa akin… parang tungkol yata sa date nila yun ng bud nya… parang may plano na magfine dine resto etc… nabadtrip tlga ako… feeling ko sinasadya niya iforward saken yung text. Kaya what happened was since wala akong date nung araw na yun… may mineet ako sa UP… at nalaman niya rin at nagwala siya sa galit… sabi ko baket ka ba ganyan eh ikaw nga may date eh ako wala… ang gulo kase hindi mo alam kung hanggang saan ang limitation mo… kung hanggan saan ka lang… boundaries baga… ang hirap… hindi mo alam kung dapat ka bang magselos o hindi… that’s was open relationship for me… a failure… jealousy… hatred… sin… hehehe






